halos magtatatlong taon na rin akong nagsisilbing guro sa PH229. naka tatlong klase na rin ako ng mga batang nasa 5-6 na edad. ngunit sa tinagal-tagal kong naging guro dito, hindi ko pa naranasang bisitahin ang mga estudyante ko sa mismong tahanan nila. sabi ni ate vicky, dapat daw ginagawa ang home visitation kahit isang beses sa isang taon. isang paraan ito upang lalong maintindihan ng mga guro ang kanilang mga estudyante. kung alam mo ang kalagayan ng mga bata sa kanilang tahanan, mas lalo mo syang matutulungan.
sa aming pagbisita, lalo akong nagpasalamat sa Diyos sa mga biyayang walang sawa nyang ibinibigay sa atin. minsan puro kakulangan lamang ang ating nakikita at nalilimutan nating magpasalamat sa maliliit na bagay na ating nakakamtan. mas lalo ring nadiin sa akin kung bakit ako naging bahagi ng programang ito. sumali ako rito dahil ako mismo ay nakaranas ng kabutihan ng Diyos. nais kong ibahagi sa mga batang ito na maari rin nilang maranasan ang kalayaan mula sa kahirapan kung hindi sila bibitaw sa salita ng Diyos at mananatili sa pananampalataya ^^