pagmumuni-muni ng isang naghihintay na empleyado
biernes na naman, tapos nanaman ang isang linggo ng pagtatrabaho…hay, ang hirap pala talaga kumita ng pera. dati hindi ako makapaghintay na maging empleyado, ngayon naman miss na miss ko na ang simpleng buhay ng estudyante. oo, may mga deadlines kang hahabulin, professors na kakalabanin at mga subjects na paghihirapan. pero mas madali ata sya kumpara sa paghahanap ng sapat na halaga pambayad sa mga bagay-bagay at pagpaplano sa mga susunod na taon ng buhay mo. may mga araw na gusto ko lang ng simpleng pamumuhay (payak na buhay, sabi nga ng kaibigan ko), pero alam ko namang hindi pwedeng habang buhay ay payak na lang ang buhay ko. di naman pwedeng lagi na lang ako masaya lang at walang patutunguhan. buti na lang nandyan si jesus para tulungan tayo. pano na lang di ba kng mag-isa tayo sa buhay? baka sa kangkungan tayo pulutin lahat…